Isang helicopter na nagsisilbing air ambulance ng Philippine Adventist Medical Aviation Services ang nawawala sa Balabac, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagta-transport ng isang pasyente ang helicopter na tinatawag nilang “Yellow Bee” mula Mangsee Island sa Balabac papuntang bayan ng Brooke’s Point nang mawalan ito ng komunikasyon at contact bandang 12:10 ng tanghali.

Ilan sa mga sakay nito ay ang pilotong si Daniel Lui, isang nurse, at pasyente.

Naging paksa ng Stand For Truth ang pagtulong at serbisyong ibinibigay ni Pilot Daniel at ng PAMAS sa mga taga-Palawan lalo na ang libreng hatid at sundo sa ospital ng mga nahihirahan sa kabundukan.

Nagsasagawa na ng search and rescue operation ang PCG.

Ang iba pang balita, panoorin sa video:

- 6KM NA OIL SPILL SA ORIENTAL MINDORO, TINUTUTUKAN NG PCG